Nawawalang batang babae sa Negros Occ. natagpuang patay

Patay na nang matagpuan ang nawawalang 5-anyos na babae sa Negros Occidental at pinaniniwalaang menolestiya ito bago pinatay.
Sa ulat ng “Unang Balita” nitong Miyerkoles, sinabi umano ng pamilya ng biktima na taga-Bago City na noon pang Lunes nawawala ang bata at nang matagpuan nila ay nakasilid ito sa sako at puno ng sugat ang buong katawan.
Itinapon ang bangkay ng bata sa basurahan, 50  metro lamang ang layo mula sa kanilang bahay.
Samantala, tatlong “persons of interest” ang kasalukuayang hawak na ng mga awtoridad at iniimbestigahan kaugnay sa insidente. —LBG, GMA News
Watch!

Be the first to comment on "Nawawalang batang babae sa Negros Occ. natagpuang patay"

Leave a comment

Your email address will not be published.


*